Monday , December 23 2024

‘Silencing stage’ ng sindikato itinuro ni Digong sa drug killings

IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat imbestigahan ng  human rights advocates ang pagkakasangkot ng narco-generals at tinatawag na ‘ninja police’ sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, bago siya o si PNP Chief Ronald dela Rosa ang sisihin, dapat alamin muna ng US, United Nations (UN) at European Union (EU) na nagpapatayan na ngayon ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, may tinatawag na ‘silencing stage’ na bago pa man sila ikanta, inuunahan nang pinapatay ng mga narco-police ang mga dealer o runner nila ng ilegal na droga.

Iginiit din ng pangulo, hindi gawain ng mga pulis sa legitimate operations ang pagbabalot ng mga bangkay dahil Egypt lamang ang gumagawa ng ‘mummies.’

“Alam mo marami silang karibal. The most—makinig kayo—sabihin ninyo ito sa mga p***inang… bantay kayo sa akin, pagpunta ninyo dito. ‘Di ba nila alam na pati police generals at pulis involved? At lahat iyong pinatay, nagpatayan sila because unahan na nila kasi these guys will be these killers. Nagpapatayan sila kung sinong pumalit kay Garbo, sinong pumalit kay Loot. Did it ever occur to you that there was also a silencing stage? Mostly sila sila lang. Pero ang patay na’t sawi na, itinatapon nila kay Bato, sa akin, sa pulis,” ayon kay Pangulong Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *