Friday , November 15 2024

6.5 magnitude quake yumanig sa Davao Oriental

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Mati, Davao Oriental dakong 6:53 am kahapon.

Base sa report mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay natukoy sa 41 kilometro southeast ng naturang lugar.

May lalim ito na 42 kilometro at tectonic in origin.

Kasabay nito, naitala rin ang intensity 5 sa Mati, Davao Oriental, Davao City; intensity 4 sa General Santos City maging sa Alabel, Glan at Malapatan, sa Sarangani at Polomolok, South Cotabato.

Habang intensity 3 ang naitala sa Tupi, South Cotabato at Cagayan De Oro City.

Nabatid na naramdaman din ang pagyanig sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Agad nilinaw ni Phivolcs Director Solidum, bagama’t may kalakasan ang lindol, walang inaasahang tsunami na idudulot nito.

Ngunit asahan aniya ang serye ng aftershocks na mararamdaman.

Inaalam ng mga awtoridad kung may naitalang pinsala sa nasabing paglindol.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *