Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jimboy ng Hashtags, tiniyak na mag-eenjoy ang mga manonood sa kanilang The Roadtrip Concert

KASAMA si Jimboy Martin sa nagtapos ng serye ng ABS-CBN 2 na  Born For You. Gumanap siya rito bilang kaibigan ni Janellla Salvador na isang rapper.

Ayon sa itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother 737, hindi siya nag-audition para sa kanyang role, hand-picked daw siya para rito.

“Kinuha na lang po ako basta eh, kasi sumakto po ako sa role ko na marunong mag-rap sa totoong buhay,” sabi ni Jimboy.

Kamusta namang katrabaho si Janella?

“Mapagpasensiya siya at saka marunong po siyang umunawa sa mga baguhang artista.”

Masasabi ba niya na naging close na sila ni Janella mula noong nagkasama sila sa Born For You?

“Opo,” sagot ni Jimboy

“Minsan po nagbibigayan kami ng pagkain sa set. Tapos kumakain po kami ng sabay.”

Member si Jimboy ng all male group na Hashtags na napapanood sa It’s Showtime. Sa September 24 ay magkakaroon sila ng concert sa Kia Theater billed as Hashtags: The Roadtrip Concert.

“Dito po sa concert namin, matutuklasan ng fans kung ano pa ‘yung mga itinatago naming talents na hindi pa nila alam. Sigurado po na mag-i-enjoy sila sa concert naming.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …