MALAKING blessing ang natanggap ng recording artist na si Pauline Cueto sa Philippine Movie Press Club (PMPC) nang maging nominado siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.
Esplika ng 16 year old na dalagita, “I felt blessed and overwhelmed na nominated ako as a new female recording artist. Hindi ko po ma-describe ‘yung nararamdaman ko. At first po, ‘di po siya talaga nag-sink-in sa akin kaagad when I saw the list. Pero malaking opportunity po ito para sa akin to be one of the nominees of the 8th PMPC awards.
“Kaya nagpapasalant po ako sa PMPC at magsisilbing inspirasyon ito sa akin para mas lalong pagsikapang maabot ang aking mga pangarap as a singer.”
Bata pa lang ay nakitaan na ng talent sa pagkanta si Pauline. Ayon sa kanya, first love niya talaga ang musika.
“Opo, love ko talaga ang singing and music and it has been my first love eversince,” saad ng talented na singer.
Actually, kung sa galing lang ay maraming kakabuging singers si Pauline. Ang kailangan lang niya ay magandang break upang mas makilala ng madla. Biritera kasi ang magandang dalagita at patuloy niyang hinahasa ang kanyang talento sa pagkanta, pati na rin sa pagsasayaw.
Sa ngayon ay labas na ang self-titled album niya at ang maganda rito, sampung porsiyento ng kita nito’y mapupunta sa kawanggawa.
“My album has 10 cuts. All composed, written and arranged by Sir Sunny Ilacad and distributed by MCA Music. All songs are very special to me because they all have a story in my life. In fact, ‘yung 10 percent proceeds of that album ay napupunta po sa less fortunate.
“My album is entitled ‘Pauline Cueto’ and the carrier single is ‘Dreamboy Ng Buhay Ko’,” saad pa niya.
Kabilang sa inspirasyon ni Pauline sa pagkanta ang kanyang mga magulang na sina Mr. Andy Cueto at Mrs. Mildred Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap. Katunayan, ipinagpagawa pa siya ng sariling music studio ng kanyang daddy.
Sinabi rin ni Pau (nickname ni Pauline) ang mga hinahangaan niyang local artist.
“My favorite local artists are Sarah Geronimo, Yeng Constantino and Lea Salonga.
“Favorites ko po sila because I see them as an inspiration po to a lot of people. I’ve heard their stories kung paano po sila naging successful na artists and na-inspire po ako sa stories nila.”