Monday , December 23 2024

4 konsehal, 2 ex-konsi ng Maynila inireklamo dahil sa pangongotong

INIREREKLAMO ng grupo ng mga negosyante ang apat na konsehal ng Maynila at dalawa pang dating konsehal na umiikot sa mga establisimiyento at humihingi ng ‘linggohan’ kapalit ng proteksiyon at  kalayaan na makapagnegosyo sa Lungsod.

Ipinagmamalaki umano ng mga konsehal na mayroon silang malakas na koneksiyon sa city hall officials at binabantaan ang mga negosyante na hindi magbibigay sa kanila ng buwanang ‘lagay’ na gagamitin ang kanilang kapangyarihan para maipasara ang mga tututol na negosyante.

Nabatid rin sa mga negosyante na binisita na umano ng mga “Tongsehal” ang ilang establisimiyento sa Ermita-Malate at Binondo partikular ang bars, nightclubs, massage parlors, KTVs at iba pang nagsisilbi ng alak na kumakain kasama ang kanilang mga kaibigan, at umiinom pero hindi nagbabayad.

Humihingi umano ng P30,000 hanggang P60,000 buwanang payola ang mga Tongsehal para sa ipagkakaloob nilang proteksiyon.

Umapela ang ang mga negosyante sa lokal na pamahalaan na aksiyonan ang ginagawa ng mga Tongsehal para mapangalagaan ang kanilang kapakanan partikular ngayon na hindi malakas ang negosyo.

( LEONARD BASILIO  )

About Leonard Basilio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *