Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Porno king’ swak sa 69 kaso ng abuso (Australian pedophile)

091116_front

INIREKOMENDA ng DoJ na sampahan ng 69 kasong kriminal ang hinihinalang Australian pedophile, binansagang “porno king” at nasa likod ng kontrobersiyal na “Destruction of Daisy” sex and physical abuse videos.

Ang suspek na si Peter Gerard Scully ay nadakip ng NBI-Anti Human Trafficking Division sa kasong pagmolestiya sa mga bata kabilang ang walong buwan gulang sanggol.

Sa 151-pahinang resolusyon na isinulat ni Assistant State Prosecutor Jinky Dedumo, si Scully ay pinakakasuhan ng mga sumusunod na paglabag:

Walong bilang ng kasong qualified trafficking in persons; siyam na bilang ng kasong child abuse; limang bilang ng kasong indecent show, obscene exhibition and publications; limang bilang ng kasong syndicated child pornography; 25 bilang ng photo and video voyeurism; anim bilang ng kasong rape by sexual assault; at dalawang bilang ng kasong rape by sexual intercourse.

Samantala, ang reklamong murder laban kay Scully na may kinalaman sa pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga biktima na itinago sa alyas na Barbie at Cindy, ay ibinasura dahil isinama na ito sa kasong qualified trafficking.

Habang ang dating live-in partner ni Scully na si Liezyl Margallo ay pinasasampahan ng patong-patong na kaso ng qualified trafficking, child abuse, indecent shows, syndicated child pornography, photo and video voyeurism, at rape by sexual assault.

Kasama rin sa pinakakasuhan nang kaparehong paglabag ang lima pang respondent na sina Christian Rouche, Alexander Lao, Haniel Caetano de Oliveira, Marshall Ruskin at Ma. Dorothea Chia.

Nadakip si Scully ng ahente ng NBI sa kanyang bahay sa Malaybalay, Bukidnon

Si Scully ay nauna nang nadakip ng NBI noong nakalipas na taon sa Malaybalay, Bukidnon sa bisa ng anim warrant of arrest na inisyu ng Cagayan de Oro RTC.

Sinasabing isa sa mga biktima ng dayuhan ay namatay dahil sa matinding pahirap, katunayan mayroong kalansay na natagpuan sa tinutuluyan ni Scully sa Surigao City.

Matinding pahirap ang dinanas ng mga batang minolestiya ni Scully dahil sila ay sinasaktan.

Ilan sa mga pang-aabuso ay na-upload sa isang porn website.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …