Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alaska vs Globalport

KAHIT pa napakanipis na ng tsansang makarating sa quarterfials ay nagpalit ng import ang Blackwater Elite.

Ipaparada ng Blackwater si Keala King sa laro kontra Phoenix Fuel Masters sa kanilang pagkikita  sa ganap na 4:15 pm sa Ynares Coliseum sa Antipolo City.

Sa 7 pm main game ay maghaharap naman ang Alaska Milk at Globalport na kapwa may 3-5 karta at nasa ikasiyam na puwesto.   Naghahabol ang dalawang koponan upang makaiwas sa pagkalaglag.

Hinalinhan ni King si Eric Dawson na may back spasms. Si King, na produkto ng Arizona State University at Long Beach State, ay  naglaro sa Hi Tech Backok sa Thailand Basketball League.

Bukod kay King ay may isa pang bagong manlalaro ang Blackwater matapos na kunin buhat sa Globalport si Ronald Pascual kapalit ng13-year veteran point guard na si Mike Cortez.

Ang iba pang inaasahan ni coach Leo Isaac ay  sina Carlo Lastimosa, Reil Cerantes, Dennis Miranda at Art dela Cruz.

Ang Blackwater ay may 1-7 record  at kailangang mawalis ang nalalabing tatlong laro.

Ang Phoenix ay galing sa 106-93 panalo kontra sa  Star at may 4-4 record. Ang Fuel Masters ay pinamumunuan ng import na si Eugene Phelps.

Galing ang Alaska Milk sa 107-87 panalo laban sa Blackwater noong Agosto 28. Ang Globaport ay naungusan naman ng TNT.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …