MASAYANG-MASAYA si Julia Montes dahil umabot na sa isang taon ang seryeng pinagbibidahan niya na Doble Kara mula sa ABS-CBN na gumaganap siya ng dual role bilang kambal na sina Kara at Sara.
“Ang sarap po sa pakiramdam. Sabi ko nga, siguro ito po ‘yung role na blessing po talaga sa akin kasi bukod sa napaka-challenging and hindi ko ine-expect na ibibigay sa akin itong role na ito, tapos eto po biniyayaan kami ng mahaba-haba pang pagsasama naming lahat,” sabi ni Julia.
Proud din si Julia na consistent na panalo sa ratings ang Doble Kara. Kung ilang taon ding nag-struggle ang ABS-CBN sa afternoon slot pero iba ang back-to-back power ng Doble Kara at Tubig at Langis dahil talagang kinabog nila ang mga katapat na programa sa kabilang network.
Dahil naging successful siya sa pagganap sa mahirap na dual role, sa tingin niya mamaniin na lang niya ang ibang roles na ibibigay sa kanya in the future?
“Ay naku, hindi po, lahat naman po ng role mahirap. Kasi siyempre papaniwalain mo ‘yung tao na ikaw ‘yung karakter na ginagampanan mo. Tapos ibang cast pa ‘yung makakatrabaho mo.”
Hindi ba siya nababaliw sa pagganap ng kambal lalo na pag nag-switch roles na siya?
“Actually, okay pa naman ako,” sabay tawa niya. “Kaya lang po siguro minsan nagiging emosyonal, nagiging sensitive sa character kasi dalawa nga tapos pareho pang may pinagdaraanan.”
Mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang Doble Kara ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
MA at PA – Rommel Placente