SA isang interview ni Rocco Nacino ay sinabi niya na hindi mutual ang naging desisyon nila ni Lovi Poe na tapusin ang kanilang relasyon. Na ang ibig niyang sabihin ay si Lovi lang ang may gustong maghiwalay sila.
Sa sinabing ito ng aktor ay nag-react si Lovi.
“Well, sabi ko nga po, nagulat nga po ako na sinabi niya nga po ‘yun. Siyempre ako, parang ayoko nang pag-usapan kung kanino man nanggaling ito. I just pray and hope that we get to go to a good place,” sabi ni Lovi.
Kung sakaling hilingin ni Rocco na magkita at magkausap sila upang magkaroon sila ng closure, ang sabi ni Lovi, lagi naman daw bukas ang pintuan niya para magkausap sila ng dating karelasyon.
Si Rocco ba ang hindi talaga nakikipag-communicate sa kanya?
“Siguro we just, hindi naman sa hindi siya nagko-communicate. I don’t know kung sino ang nag-i-initiate, walang nag-i-initiate. Pero hindi sa wala na kaming closure kasi nakapag-usap naman kami.”
MA at PA – Rommel Placente