Monday , May 12 2025

Tulalang babae naligis ng tren

NAKALADKAD ng ilang metro ang isang 41-anyos babaeng sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, bago tuluyang namatay makaraan mabangga nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang naglalakad sa riles sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PO2 Benito Mateo, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang biktima ay si Marlene Macapagal, residente ng 1732 Mindanao Avenue, Sampaloc, Maynila.

Ang biktima ay kinilala ng kanyang live-in partner na si Roberto Alberto.

Nabatid na dakong 11:49 am nang maganap ang insidente sa southbound lane ng PNR railroad sa pagitan ng G. Tuazon at Espana Stations sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa testigong si Joan Bisbal, 29, habang naglalakad sa riles ang biktima ay hindi napansin ang paparating na tren na bumundol sa kanya.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *