Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Poe kay Duterte: Emergency powers puwede pero…

082516 grace poe kapihan
MASAYANG sinagot ni Senator Grace Poe ang mga tanong ng mga mamamahayag sa Kapihan sa Manila Bay news forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila ang mga kondisyon para sa emergency power at ang hindi makataong kondisyon sa kulungan gayon din ang isyu sa extra-judicial killings na dinidinig sa Senado. ( BONG SON )

INILATAG ni Senador Grace Poe-Llamanzares ang ilang mga kondisyon na kailangan ikonsidera sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang problema ng trapiko sa bansa.

Isa rito, kailangan umanong magkaroon ng “clear cut parameters” na bumabalangkas sa sinasabing emergency.

Binalangkas ng senadora ang nasabing mga kondisyon sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, sa kanyang kapasidad bilang Senate committee chair on public services.

“Giving the President emergency powers necessarily raises concerns about concentration of powers in one person as this could easily be abused. There are fears that if we grant emergency powers for this issue, then we open the floodgates to granting emergency powers for other so-called ‘crisis’ or ‘emergencies,’” kanyang ipinaliwanag.

“We must therefore, pose important questions on the extent of those powers. For instance, we must have clear-cut parameters as what constitutes as an emergency,” dagdag pa ni Poe

Sinabi niya, kailangan maging malinaw kung saan gagamitin ang emergency powers at kung kailang magiging epektibo para tugunan ang mga problemang lulutasin sa pamamagitan nito.

“It is important for us to define and quantify the objectives of the bills,” wika ng senadora.

Pinunto rin ni Poe na kinakailangan maging “FOI-compliant” ang ipagkakaloob na emergency powers kay Pangulong Duterte.

“This is one non-negotiable principle, constant in its implementation,” aniya.

“It must permeate and penetrate all activities, contracts, projects, biddings, documents, awards, payments made pursuant to the act of granting emergency powers. Letting the sunlight in construction results in better-built infrastructure,” diin ni Poe.

( Tracy Cabrera )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …