Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pader sa Old Bilibid Compound gumuho (2 patay, 15 sugatan)

081416_FRONT

DALAWA ang kompirmadong patay sa pagguho ng pader sa Oroquieta St., Old Bilibid Compound, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Johnny Yu, kinilala ang mga biktimang magkapatid na sina Argielyn Joy, 16, at Mary Verina 14-anyos.

Habang nasa 15 ang sugatan kabilang sina Rommel Ebio, 31, at Arnold Gomez, 35.

Ang magkapatid ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ang pagkakilanlan ng iba pang sugatang biktima makaraan mabagsakan ng konkretong pader sa Old Bilibid Compound dakong 8:00 am.

Iniutos ng Manila city hall na agad sagipin ang mga biktimang naipit sa pagguho, nagpadala ng 50 rescuers at iba pang emergency units upang asistihan ang mga apektadong pamilya.

Nabatid na gumuho ang isang pader sa likod ng Manila City Jail na may nakatayong mga barong-barong .

Bukod sa MDRRMO, tumulong din sa rescue operation ang Manila Community Response.

Maging ang Department of Health (DOH)ay nagpadala ng pitong ambulansiya gayondin ang  Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Manila Police District (MPD) ay nag-deploy na rin ng mga personnel para tumulong sa rescue operation, ayon kay Yu.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …