Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 1 arestado sa anti-drug ops

PATAY ang dalawang lalaki habang arestado ang isang babaeng kanilang kaanak nang lumaban sa mga pulis na nagsisilbi ng search warrant sa kanilang tahanan sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Alvin Comia, 39, tubong Laguna, at Gaerlan Makahilig, nasa hustong gulang; kapwa residente sa Road 1, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Jay Balagtas, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 1:50 am nang maganap ang insidente sa bahay ng mga suspek.

Nauna rito, sinalakay ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID-SOTU) ng MPD-Station 6 ang lugar, upang isilbi ang search warrant na may petsang Agosto 8, 2016 at inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 37, 3rd Vice Executive Judge Virgilio Macaraig, laban kay Comia kaugnay sa kasong droga.

Pagdating sa lugar, agad pumuwesto ang mga pulis habang si PO1 Princeton Felia ang naatasang unang pumasok sa bahay.

Gayonman, pagkakita pa lang ni Comia kay Felia ay agad nagbunot ng baril at nagpaputok. Bunsod nito, napilitan si Felia na barilin si Comia at napatay ang suspek.

Nang marinig ang putukan, agad bumaba mula sa ikalawang palapag si Makahilig na armado rin ng baril kaya’t inunahan siyang barilin ni Felia na kanyang ikinamatay.

Samantala, inaresto at dinala sa presinto para sa interogasyon ang kaanak ni Comia na si Maristela Comia.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …