Saturday , November 16 2024

P2.5-M puslit na kendi mula China nasabat (Sa BoC)

081216 customs faeldon
ISA-ISANG iniinspeksiyon ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Port Area, Maynila ang limang container van na naglalaman ng P2.5 milyon halaga ng smuggled candies mula sa China. (BONG SON)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila South Harbor ang limang container van na naglalaman ng P2.5 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng puslit na kendi mula sa China.

Ito ay makaraan ang inspeksiyon na isinagawa ng BoC sa pangunguna ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Base sa entry declaration ng nasabing kargmento, dumating ang limang container van noong Agosto 5, 2016.

Ang nakadeklara sa dokumento ay fruit jelly ngunit nang inspeksiyonin ay nabatid na naglalaman ang kargamento ng chocolates at iba pang uri ng kendi.

Napag-alaman, wala rin kaukulang permit mula sa Foods and Drugs Administration (FDA) ang nasabing mga kargamento.

Bunsod nito, sinabi ni Faeldon, posibleng magpalabas sila ng ‘warrant of seizure and detention’ laban sa nasabing kargamento na naka-consign sa Jolt Aquamarine Food Corporation na nakabase sa Binondo, Maynila.

(LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *