Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Yorme ng Bulacan fire sprinkler ang bunganga

THE WHO ang isang mayor sa Bulacan na iniilagan nang makausap nang malapitan dahil parang fire sprinkler daw ang bunganga kapag nagsasalita.

Ano ‘yan parang establishment lang may fire sprinkler, fire detector at fire extinguisher?

Kuwento ng Hunyango natin, nagkakanda-krus-krus umano ang laway ni yorme sa tuwing umaarya sa kuwentohan as in 220kph ang bilis ng talsik ng laway niya!

Isang eksena ang ibinulong sa atin na minsan daw nagkaroon ng get together ang mga mamamahayag at si mayor para magkaroon ng bonding ‘ika nga.

Ang siste habang nasa dining table si mayor at ang mga mamamahayag, panay ang dakdak sa katabi niyang lady reporter na aliw na aliw naman sa pakikinig not knowing na may nangyayari na palang kadiri to death.

Noong araw na iyon kasama ni lady reporter ang kanyang asawang reporter din na nasa kabilang table na pinagmamasdan pala silang dalawa habang nagbobolahan.

Heto na ngayon, nang maihain na ang mga pagkain at nakatakda na sanang kumain si lady reporter…may nag-text!

Nag-text ang asawa ni lady reporter at sinabing  magpalit siya ng plato dahil punong-puno na ito ng laway ni mayor!

Bwarharharhar!

The problem is nahihiya si lady reporter na humingi ng ibang plato dahil baka may masabi sa kanya si mayor kung kaya’t nakontento na lamang siya na panoorin ang mga kasamahan sa hanapbuhay habang kumakain.

Pambihira ‘yan nakapaglalaway namang talaga!

But wait, nang mapuna ni Sir na ‘di kumakain si lady reporter  nagtanong siya kung bakit dehins siya lumalapang ng pagkain dahil masarap naman ang delicacies na inorder nila.

Sagot ni lady reporter: Busog pa siya!

Wahahahahahahahaha!

Ikaw ba naman makakakain ka ba sa plato na puno ng bacteria!

Hak hak hak hak hak hak!

Getz n’yo na kung sino si mayor?!

Wapak!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …