Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JRU vs EAC

HAHABOL ang mga koponang nangungulelat sa magkahiwalay na sagupaan sa 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) Men’s basketball tournament mamayang hapon sa  The Arena sa San Juan.

Magkikita ang JRU Heavy Bombers at EAC Generals sa ganap na 2 pm. Magtutuos naman ang Lyceum Pirates at St. Benilde Blazers sa ganap a 4 pm.

May 1-3 karta ang Pirates at Heavy Bombers tulad ng sa Generals at San Sebastian Stags. Wala pang panalo sa limang laro ang Blazers.

Naungusan ng Lyceym ang JRU, 69-66 noong Biyernes upang pumasok sa win column.

Nagbida para sa tropa ni coach Topex Robinson sina Mike Nzeusseu at Adrian Alban na nagtulong para sa 20 sa 24 puntos ng Pirates sa fourth quarter.

Nagtapos si Nzeusseu nang may 24 puntos at 21 rebounds. Nagdagdag ng 19 puntos si  Alban.

“We’re still 1-3… there’s nothing to celebrate,” ani Robinson. “But it’s nice to start winning.”

Kahit na nasa ibaba ng standings ang Blazers ay hindi nawawalan ng pag-asa si coach Gabby Velasco na patuloy na naniniwala sa kakayahan ng kanyang manlalaro.

Umaasa naman si JRU coach Vergel Meneses na makakabangon ang Heavy Bombers sa kabiguang kanilang sinapit. ( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …