Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Thompson bibigyan ng mahabang playing time

INANUNSIYO na ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na simula sa Governors Cup na mag-uumpisa mamaya ay mahabang playing time na ang ibibigay niya sa rookie na si Earl Scottie Thompson.

Kumbaga ay paghahanda na ito para sa takeover ni Thompson sa lead point guard na papel ng Gin Kings sa mga susunod na seasons.

Ibig sabihin ay ireretiro na ng Barangay Ginbebra ang dating Most Valuable Player na si Jayjay Heltrbrand pagkatapos ng season na ito. Kasi ay halos hindi na kasama sa rotation ni Cone si Helterbrand.  Paminsan-minsan na lang itong nagagamit.

Ibig sabihin ay magiging pamalit ni Thompson si LA Tenorio sa mga susunod na taon, Ito ay sa kabila ng pangyayaring kamakailan lang ay naging kandidato si Tenorio sa Gilas Pilipinas subalit hindi napasama sa final line-up ni coach Tab Baldwin.

E marami ang nagsasabing dapat ay nakabilang si Tenorio sa final line-up at baka kung nagkaganoon ay naiba ang tadhana ng Philippine team na nakalasap ng dalawang kabiguan sa elimination round at yumuko kaagad.

Pero iba ang Gilas at iba ang Barangay Ginebra. Magkaiba sina Baldwin at Cone.

So, hindi puwedeng sabihing babawiin ni Cone ang kanyang naianunsiyo na.

Kung mapapatunayan ni Thompson na karapat-dapat nga siyang bigyan ng mahabang playing time, malamang na bago matapos nang season ay siya na talaga ang floor leader ng Gin Kings at hindi na si Tenorio.

Tatanggapin naman ni Tenorio ang pangyayaring ito. Alam naman niya na may hangganan ang lahat at hindi na rin siya bumabata. Siyempre, iisipin ni Tenorio kung ano ang makakabuti sa Barangay Ginebra.

Pero kapag hindi nasiyahan si Cone sa ipinakita ni Thompson, siyempre nandiyan pa naman si Tenorio na kanyang maaasahan.

Kaya naman na kay Thompson na kung kaya niyang pantayan ang tiwala ng kanyang coach!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …