Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulong para kay Buboy, tinanggihan ni Nora

BILANG paglingon sa kanilang pagkakaibigan ay present ang dating singer na si Adrian Panganiban (isa na siyang pastor ngayon) sa burol ni Buboy Villamayor, bunsong kapatid ni Nora Aunor.

Naroon si Alde (palayaw ni Adrian) para damayan nga naman ang pamilyang naulila ni Buboy kasabay ng pag-alala na minsan isang panahon ay naging malapit sila sa isa’t isa. Dekada sitenta ‘yon.

Ayon sa balitang nakarating sa amin, iniabot daw ng grupo ni Adrian ang kanilang nakasobreng tulong kay Ate Guy, pero gaano katotoong hindi raw sila pinansin nito’t hindi tinanggap ang abuloy? Bagkus ay inismiran pa raw sila ng Superstar?

Pero nauunawaan naman daw ni Adrian ang damdamin ni Ate Guy sa pagkawala ng paboritong kapatid. Baka raw hindi pa nito ganap na natatanggap na yumao na ito. Buboy is survived by his two other siblingsTita and Nora (tatlo na kasi sa magkakapatid ang namaalam).

Samantala, sa mga larawang kuha sa libing ni Buboy ay makikitang nakatalungko si Ate Guy habang pinagmamasdan ang mga huling sandali ng kapatid.

Maging ang mga litratong ‘yon ay hindi pinalampas ng mga basher na kesyo kaya ganoon na lang daw ang lungkot sa mukha ni Nora ay dahil aware siyang kinukunan ng camera. Maaari rin daw na nilukuban siya ng guilt feelings dahil sa kanyang mga pagkukulang sa nasirang kapatid.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …