Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

I Love You To Death, na-enjoy ng viewers, nagsisigawan at nagtitilian

NGAYON lang kami uli nakasaksi ng premiere night na punom-puno ang sinehan at nakaupo na sa sahig ang fans. Ganyan ang nasaksihan namin sa pelikulang I Love You To Death na pinagbibidahan nina Kiray Celis at Enchong Dee.

Sobrang tawanan ng mga manonood sa pelikula. Masaya at magaan ang pakiramdam paglabas ng sinehan.

Maiintindihan talaga at maa-apreciate ang ganda ng  istorya ng pelikulang I Love You To Death ‘pag napanood ito. Hindi kasi puwedeng ikuwento at i-reveal na sa trailer ng pelikula.

Pero ayaw tanggapin ni Kiray na siya  na ang bagong Comedy Queen pagkatapos ng tagumpay din ng una niyang pelikulang Love Is Blind at , mukhang papatok na naman ang I Love You To  Death.

“Princess lang,” tumatawa niyang pahayag.

“‘Di ba si Ai Ai Delas Alas ang Queen?,” reaksiyon pa niya.

Dahil Horror-RomCom ang I  Love You To Death, tanggap ba niya kung tawagin siyang Horror-RomCom Queen?

“Puwede, nag-iisa lang naman ‘yun,eh,” pakli  niya.

Love talaga ni Mother Lily at ni Ms. Roselle Monteverde si Kiray dahil ang next project niya ay kasama ang Pasion De Amor boys na sina Jake Cuenca, Joseph Marco, at Ejay Falcon.

Nag-iisa siyang leading lady.

“Huwag nating dalawahin, huwag nating isahin, tatlo na. Bilang pangatlong movie na ito dapat tatluhin.

“Aarte pa ba ako sa tatlong makakasama ko? Aba kung may kissing scene mukhang hinihintay na nila ‘yun,” tumatawa niyang reaksiyon.

Sa isang salita ano ang reaksiyon niya?

“Sanay na,” sagot niya sabay halakhak.

Showing na sa July 6 ang I Love You To Death.

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …