Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patricia, aliw sa mga painting sa Mga Obra ni Nanay

ISANG Biyernes ng gabi ‘yon nang biglang bumulaga si Patricia Javier sa Mga Obra ni Nanay, ang art gallery ni Cristy Fermin.

Galing siya at ang kanyang kapatid na si Jay sa Antipolo, may pasalubong na dalawang klase ng suman.

Sa mga hindi nakaaalam, nagpipinta rin si Genesis (tunay na pangalan ni Patricia). Edad 28 at nakabase sa San Diego, California with her chiropractor-husband Rob Walcher, para hindi mainip ay kinumbinsi siya ng asawa na subukan ang pagpipinta.

Ganoon na lang din ang fascination ni Patricia sa mga nakakuwadrong sining that she instantly bought a piece mula sa gallery ni Tita Cristy.

Makukulay na bulaklak na ipininta ng noo’y UP student taong 2010 ang painting na nakursunadahang bilhin ni Patricia, balak niya itong isabit sa kuwarto nila ni Rob.

Minsan nang nagkaroon ng painting exhibit si Patricia sa San Diego. Around 25 na piraso ang nabenta, the most expensive of which ay nagkakahalaga ng US$900.

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …