Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melanie, humihingi ng dasal para sa kanilang mag-asawa

HABANG umeere ang Cristy Ferminute noong Huwebes ay nakatanggap ang aming co-anchor na si Pilar Mateo ng text message mula kay Melanie Marquez. Pauwi-uwi na lang kung may mahalagang commitment sa bansa si Ineng (tawag kay Melanie) na nakabase sa Salt Lake City, Utah kasama ang asawang si Adam Lawyer at mga anak.

Ayon sa text message ng dating beauty queen, humihiling siya ng panalangin na sana raw ay malampasan niya ang pinagdaraanang pagsubok sa kanyang buhay may-asawa.

Nagtatanungan tuloy kami ni Tita Cristy, may matindi bang problema sina Melanie at Adam? Bakit taimtim na dasal ang kahilingan ni Ineng, malala na ba ang problemang ‘yon that may cause their separation?

Para sa mga showbiz friends ni Melanie, they can only wish na maitawid sana nito ang kanyang marital problem (although we have yet to get the details) considering na for sure, pinangarap na niyang tumanda sa piling ni Adam.

Sa mga nakaaalam, naging bahagi ng makulay na lovelife ni Melanie si dating Senator Lito Lapid, actor-producer Derek Dee, isang Arabo hanggang sa natagpuan na niya si Adam.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …