Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mapua target solo liderato

IKATLONG sunod na panalo at solo liderato ang habol ng Mapua Cardinals kontra Lyceum Pirates sa 92nd NCAA Men’s Basketball Tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Puntirya naman ng Arellano Chiefs ang ikalawang tagumpay laban sa College of St, Benilde Blazers sa unang laro sa ganap na 2 pm.

Ang Cardinals ni coach Atoy Co ay nagwagi sa unang dalawang laro kontra sa Jose Rizal Heavy Bombers (74-71) at College of St. Benilde (78-68).

Ang Cardinals ay pinamumunuan ni Allwell Oraeme na noong isang taon ay naparangalan bilang Rookie of the Year, Defensive Player of the Year at Most Valuable Player. Kontra JRU, si Oraeme ay nagtala ng 24 puntos at 17 rebounds. Laban sa St. Benilde, siya ay gumawa ng 17 puntos at 21 rebounds kahit na may trangkaso.

Si Oraeme ay sinusuportahan nina  Exeqiel Biteng, Joseph Emmanuel Eriobu Jr., Andrew Estrella, Darell Shane Menina at Carlos Isit.

Ang Lyceum Pirates, tulad ng St, Benilde Blazers, ay wala pang panalo sa dalawang laro.

Ang Pirates ni coach Topex Robinson ay pinangungunahan nina Mike Harry Nzeusseu, Shaq Alanes, Wilson Baltazar, Jebb Bulawan at Joseph Angelo Gabayni.

Ang Arellano Chiefs ni coach Jerry Codinera ay nagwagi kontra sa  Perpetual Help Altas , 83-78 noong Linggo.

Kontra sa Altas, ang Chiefs ay nakakuha ng 27 puntos at pitong rebounds buhat sa Singapore Southeast Asian Games veteran na si Jiovanni Jalalon. Nagdagdag ng 14 puntos si Kent Salado.

Ang iba pang inaasahan ni Codinera ay sina Dioncee Holts, Zach Nichols at Donald Gumaru.

Ang Blazers ni coach Gabby Velasco ay sumasandig kina JJ Domingo, Pons Saavedra, Christian Fajarito, Carlo Michael Young at Mustapha Yankie Haruna.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …