Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, kinakabahan kay Verni

SOBRANG abala si Michael Pangilinan noong mga nakaraang buwan at ang pinakabago niyang pinagkakaabalahan ay ang kanilang Full Tank concert ni Prima Diva Billy na gaganapin sa Teatrino (Promenade, Greenhills) ngayon, July 1, 9:00 p.m..

Makakasama nila bilang guests ang mga dating X-Factor co-finalists na sina Gab Maturan, Allen Sta. Maria with grand winner KZ Tandingan. Sasali rin sa show ang kasamahan ni Prima Diva Billy sa Dubai na si Daniel Bautista  kasama si Hashtag Nikko Seagal Natividad at ang prime comedienne na si Boobsie Wonderland.

Ang pinaka-special guest sa Full Tank ay si Ms. Verni Varga na makadu-duet ni Michael sa Kahit Isang Saglit. Front act ang famous gay impersonator na si Pink Mannequins, si Ivan Lee Espinosa naman ang musical director, at si Joey Nombres ang sa lights.

“Marami akong bagong kantang inaral dito. Marami kaming prod numbers ng mga kasama namin sa ‘X-Factor’ dati. Excited ako sobra dahil parang reunion of sorts namin ito. Ang pinaka-kinakabahan ako ay ang gagawin naming duet ni Ms. Verni Varga ng original song niyang ‘Kahit Isang Saglit’. Sana hindi ako manginig sa stage, iba kasi ang presence ni Ms. Verni. Sabi nila, nanlalamon daw ng buhay ito sa stage. Sana huwag akong nerbiyosin. Ha! Ha! Ha!” ani Michael na tinatakot ng mga kaibigan ukol sa extreme talent bilang performer ni Varga.

“I will also do my version of Labrinth’s ‘Jealous’ as requested by my manager, si Nanay Jobert. Mukhang may hugot factor kasi ang manager ko kaya pinakiusapan niya akong kantahin ito. Baka mayroon lang siyang pinagdaraanan at ako ang ginawang sangkalan through this Labrinth song. Ha! Ha! Ha!” he joked.

Mina-manage rin ni Sucaldito si Prima Diva Billy na nakabase ngayon sa Dubai. Nagbalik-‘Pinas lang ito para sa isang short vacation at babalik din agad sa Dubai sa July 3 (2 days after ng concert) kaya naisip ng manager nilang gawan sila ng back-to-back concert.

“Nakaka-proud si Michael kasi noong umalis ako, ‘di pa siya gaanong kilala. Ngayon ay star na ang kapatid ko. Sana sa pagbalik ko next year ay mas marami pa kaming pagsamahang shows. Sayang kasi ang kontrata ko sa Dubai kung iiwanan kong bigla. Don’t worry, by next year I will be back for good,” giit naman ni Prima.

“Nagpagawa naman ako ng Adelle medley para sa show. Alam niyo naman si Nay Jobert, siya ang namimili ng repertoire namin. In fairness naman sa choices niya, gusto rin namin kaya ngayon, magkakasama na kami sa mutual understanding society. Ha! Ha! Ha! Pare-pareho kasi kaming musical,” ani Prima Diva Billy.

Ang concert ay naisakatuparan sa tulong nina Ms. Josie Yu, Mayor VJ Pimentel (Carrascal, Surigao del Sur) and Isabela Gov. Bojie Dy. Major sponsors include Mr. Neal Gonzales, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Mr. & Mrs. Henry and Lily Chua, Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz (Guiguinto, Bulacan), Mr. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Kuya Boy Abunda, Ms. Jen Corpuz-Legaspi, Golden Bay Restaurant, Mr. Alex, Cruz, Xentro Malls, McQueen Petals, Joel Cruz Signatures and Aficionado Germany Perfume.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …