Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunga patay sa pista (Dumayo sa Pampanga)

PAMPANGA – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa insidente nang pananaksak sa kasagsagan ng pista ni Apung Iru sa Apalit kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Jomer Sunga, bisita sa pistahan. Idineklara siyang dead on arrival sa pagamutan.

Habang sugatan sa insidente sina Gabino Cortez, lolo ng asawa ng suspek na si Rollan Pacia, 28-anyos, at kapitbahay na si Ricarte Ponce.

Ayon sa mga residente, sinaksak ang mga biktima ni Pacia sa kasagsagan ng prusisyon ni Apung Iru sa Brgy. Sampaloc.

Dagdag ng mga residente, balewalangnaglakad ang suspek makaraan ang insidente.

Nahuli sa follow-up operation ng Apalit police si Pacia na nakombinsi ng mga kaanak na sumuko.

Hindi pa malinaw sa pulisya kung bakit nagawang saksakin ng suspek ang mga biktima.

“Nanonood lang daw noon, suddenly biglang sinaksak ng suspek mga biktima,” ayon kay PO1 Artem Tamsi.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide at homicide ang suspek.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …