Friday , November 15 2024

PNoy kasado na sa pag-alis sa Palasyo

NAKAHANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na isalin ang kapangyarihan kay incoming President Rodrigo Duterte.

Katunayan, wala nang public engagement si Pangulong Aquino kahapon at magiging abala na sa paghahanda para sa kanyang departure activities.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, pinakahuling aktibidad bilang pangulo ni Aquino ay pagtanggap at pakikipagpulong saglit kay Duterte sa Malacañang bago bumaba sa hagdanan ng Palasyo at tatanggap ng departure honors sa Palace grounds.

Ayon kay Coloma, makaraan ang troop inspection, sasakay na ang Pangulong Aquino sa kanyang sasakyan at didiretso sa kanilang bahay sa Times Street sa Quezon City.

Batay sa impormasyong galing sa Presidential Inaugural Committee, dakong 10:45 a.m. darating si Duterte sa Malacañang at sasalubungin siya ni Pangulong Aquino saka lalagda sa guestbook upang doon maitala na siya ang pinakahuling bisitang tinanggap ng outgoing president sa kanyang termino.

Pagkaalis ni Pangulong Aquino, pupunta na si Duterte sa Rizall Hall para roon manumpa bilang ika-16 pangulo ng Republika saktong 12:00 ng tanghali, alinsunod sa Saligang Batas.

Unang patutugtugin ang Lupang Hinirang saka kakanta si Freddie Aguilar at babasahin ni Senate President Franklin Drilon ang proklamasyon kay Duterte.

Matapos ito, manunumpa na si Duterte kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes, lalagdaan ang Oath of Office at saka magtatalumpati o bibigkasin ang inaugural address.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *