Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 5 kritikal sa van vs tricycle

PATAY ang dalawa katao habang lima ang kritikal sa salpukan ng pampasaherong van at tricycle sa Polomolok, South Cotabato nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon ng traffic police, parehong papunta sa direksiyon ng bayan ng Tupi ang dalawang sasakyan nang magbangaan sa Purok Lusanes, Brgy. Sulit dakong 1:30 p.m.

Sinasabing mabilis ang takbo ng van nang mag-overtake sa tricycle.

Biglang lumiko ang mas maliit na sasakyan kaya naararo ito ng van.

Nagpagulong-gulong ang tricycle nang halos 10 metro dahil sa lakas nang pagkakabangga.

Agad nadala sa pagamutan ang pitong nasaktan na pawang pasahero ng tricycle.

Ngunit binawian din ng buhay ang mga biktimang sina Maternidad Biñan at Juvy Jane Aristoque.

Nasa kritikal na kondisyon sina James Lorica, driver ng tricycle, Rubylyn Maglasang, Rebecca Lara, Edgardo Biñan at isang 7-anyos bata.

Kasalukuyan silang inoobserbahan sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga biktima.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng van at dalawa niyang pasahero.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries at damage to properties ang driver ng van.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Leody de Guzman BMP Julius Cainglet FFW

Katarungan at dignidad ilagay sa sentro ng paggawa para sa mga manggagawa

NANAWAGAN si Bishop Gerardo A. Alminaza sa mga pinuno ng Caritas Philippines at mga organisasyon …

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …