Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoenix kontra Racal

ITATAYA ng Phoenix Accelerators ang malinis nilang record kontra Racal Tiles sa kanilang duwelo sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 6 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 4 pm ay pinapaboran ang Tanduay Light kontra sa  nangungulelat na Topstar-Mindanao.

Ang Accelerators ni coach Erik Gonzales ang tanging koponang hindi pa nagugurlisan ang record matapos ang limang laro. Galing sila sa 126-77 panalo kontra sa Topstar Mindanao noong Lunes kahit na hindi nakapaglaro ang Southeast Asian Games veteran na si Mac Belo na nasuspundi ng isang laro.

Magbabalik si Belo mamaya at makakatulong nina Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto at Ed Daquioag.

Ang Racal Tiles ni coach Caloy Garcia ay galing sa 78-72 pagkatalo sa Cafe France noong Martes at kasalukuyang katabla ng Tanduay Light sa ikatlong puwesto sa kartang 4-2.

Ang Tile Masters ay pinamumunuan ng pro bound na si Jonathan Grey na tinutulungan nina Dexter Maiquez, Jamil Ortuoste, Joseph Terso, Philip Panamogan, Ford Ruaya at Robbie Celiz.

Noong Martes ay naungusan ng Tanduay Light ang guest team Blustar, 94-91. Ang Rhum Masters ni coach Lawrence Chongson ay humuhugot ng lakas kina Louie Vigil, Andretti Steven at ex-pros Ken Acibar, Rudy Lingganay, Val Acuna at Jaypee Belencion.

Ang Topstar-Mindanao ay nasa dulo ng standings at wala pang panalo sa limang laro.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …