Sunday , November 24 2024

Bugbog sarado si Baron!

LUTONG-MACAO ang desisyon sa sagupaan nina Kiko Matos at Baron Geisler kamakailan.

Obvious namang bugbog-sarado si Baron sa unang sagupaan palang, pa’nong mangyayaring nag-tie?

Ang sabi, nakaganti raw ang alcoholic na aktor sa second round nang ma-corner niya si Kiko at mabanatan nang sunod-sunod na suntok.

Whatever Baron was able to accomplice at their second round would pale in comparison to what Kiko had been able to do on their first round.

Anyway, hindi na nagkaroon ng third round pero obvious na kay Kiko pa rin ang puntos.

Hay, naku! Lutong-Macao ang laban palibhasa’y malakas ang utol ni Baron sa kung sino mang in charge sa laban na ‘yun. Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Like I said, the first round solely belonged to Kiko. Sa unang round palang ay bugbog-sarado na si Baron, pa’nong mangyayaring nag-tie raw sila?

Besides, it was obvious that Baron’s not in good shape and he tried his best but his best was not enough.

Bakit ba naman ang netizens ay kamping-kampi sa alcoholic na ‘yan?

Maliwanag pa sa sikat ng araw na bugbog-sarado si Baron sa first round at maging sa second round ay hindi naman solo ni Baron ang victory.

Kahit paano ay naka-recover naman ng kanyang bearings si Kiko at nakaganti.

Nevertheless, talo lang si Kiko sa pang-aasar ni Baron. Kahit ‘yung earlier encounter nila ay talagang pigil na pigil ang pang-aasar ni Baron si Kiko.

Naroong dyinakol ang hinlalaki ni Kiko at hinalikan sa lips kaya na-trauma na ang una.

Pabor kay Baron ang labanang may referee. Pero kung wala ay syokoters siya ever. Hahahahahahahahahahaha!

GLOBAL ONLINE PREMIERE NG “KWENTUHANG KAPAMILYA” NG “MMK” MATUTUNGHAYAN NA!

Makabuluhang kuwentohan tampok si Ms. Charo Santos, kasama ang mga kababayan sa Espanya, bahagi ng ika-25 anibersaryo ng “Maalaala Mo Kaya” handog ng ABS-CBN at TFC.

Magaganap ang kauna-unahang “Kwentuhang Kapamilya” ng Maaalaala Mo Kaya (MMK) sa labas ng bansa, tampok si Ms. Charo Santos at sabay-sabay na mapapanood ng mga Filipino sa buong mundo sa June 27, 8:00 pm Manila time sa pamamagitan ng global online premiere nito sa TFC.tv

Ang kauna-unahang bahagi ng inspirational talk series na gaganapin sa Madrid, Spain ay parte ng ika-25  anibersaryo ng “MMK” sa patuloy nitong pagsalamin sa buhay ng mga Filipino.

Unang ipinalabas ang longest-running drama anthology sa Asya noong 1991 para ikuwento ang mga pangarap, sakripisyo at tagumpay ng mga manonood.

Natunghayan rin ito sa radyo at sine, nabasa sa libro at napanood sa subtitled version para sa mga non-Filipino speaking viewers ng The Filipino Channel (TFC).

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng “MMK” dadalhin nito ang kuwentohan sa Madrid upang tuwirang maririnig ang mga kuwento ng mga Filipino at naway kapulutan din ng aral ng mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng official online service ng TFC, ang TFC.tv

Bahagi ito ng misyon ng programa at ng TFC na abutin ang mga Filipino, saan man sila sa mundo.

Sa “Kwentuhang Kapamilya,” ang letter-senders mismo ang magkukuwento ng kanilang buhay, na papakinggan ni Ms. Santos bilang patunay sa prinsipyo nitong ang mga Filipino ang bida sa kanilang kuwento.

Ilan sa mga kuwentong maririnig ay mga istorya ng mga ina, anak at asawa na hindi man naging madali ang buhay sa ibang bansa sa umpisa ay nagpursiging magtagumpay upang maiangat, maiahon, o makatulong sa pamilya at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Kabahagi sa unang serye ng inspirational talk series sina ABS-CBN Europe, Middle East at Africa Managing Director Kai V. Rodriguez at ang TFC team sa Europe, host na si Amy Perez, singer na si Jona at Filipino community leaders.

Sabay-sabay nating panoorin ang libreng global online premiere ng “Kwentuhang Kapamilya” ngayong June 27, 8 p.m. Lunes via TFC.tv worldwide.

Mapapanood ito sa Filipinas sa pamamagitan ng mmk.abs-cbn.com. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang emea.kapamilya.com at facebook.com/TFCEurope

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *