Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Padaca nabagok, patay

CAUAYAN CITY, Isabela – Nagluluksa ang pamilya ni dating Comelec Commissioner at dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa pagpanaw ng kanilang ina na isang retiradong guro.

Si Amelia Padaca ay sumakabilang buhay sa edad 81-anyos.

Sinabi ni Carlos Bernardo Padaca, accountant at panganay na anak, malakas pa ang kanilang ina at hindi nila inaasahan ang biglang pagpanaw.

Sinabi ni Padaca, nabagok ang ulo ng kanilang ina nang madulas sa sahig ng kusina ng kanilang bahay.

Nagkaroon ng sugat sa ulo ang ina kaya isinugod sa isang pribadong pagamutan ngunit na-comatose nang ilang araw bago pumanaw dakong 3:00 pm kamakalawa.

Nabatid na nagturo nang ilang dekada sa Cauayan South Central School si Amelia Padaca.

Ang kanyang labi ay nakaburol sa Carbonel Funeral Homes sa Cauayan City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …