Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cybersex hub sa Bulacan sinalakay, 20 arestado

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang hinihinalang cybersex hub sa Brgy. San Martin, Sapang Palay, Bulacan kamakalawa.

Arestado sa mga tauhan ng PNP-ACG ang 20 telemarketers o chat operators ng Jaila Online Marketing Services na mala-call center ang set up.

Kompiskado ang higit 30 computers, hard drives, operating system, servers, at iba pang gamit sa cybercrime.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, front lamang ng kompanya ang sinasabing pagbebenta ng membership sa website.

Paglalahad ni Sr. Supt. Lorenzo Eleazar, sa simula ay aakitin ang mga biktima na magpamiyembro sa site sa halagang P500.

Pagkatapos nito ay nakukumbinsi ng mga lalaking nagpapanggap na mga babae, ang mga kausap upang magpadala ng mga compromising video o hubad na larawan.

Ito ang kanilang gagamitin upang pang-black mail at hihingian nila ng pera ang mga biktima.

Kabilang sa mga nakompiska ang 30 computer, hard drive, operating system servers at iba pang gamit sa cyber crime.

Kaya rin aniya ng grupo na ubusin ang pera ng biktima pagpasok sa website gamit ang credit card.

Mariin itong itinanggi ng supervisor ng Jaila Online.

Dahil mas malawak na abot ng internet, karamihan sa mga biktima ay mga lalaki sa buong mundo.

Sa katunayan, isa na ang Filipinas sa tatlong bansang tinututukan ngayon ng Interpol dahil sa talamak na sextortion activities.

Ang dalawang iba pa ay Morocco at Ivory Coast.

Nakikipagtulungan na rin ang PNP-ACG sa Interpol at Anti Cybercrime Groups ng iba pang bansa para solusyonan ang problema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …