Friday , November 15 2024

Sarili inilunod ng kelot sa Iloilo River

ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang lalaking tumalon sa Iloilo River pagkalipas ng ilang oras na search and rescue operation kamakalawa.

Ayon kay Lt. Commander Ramil Palabrica ng Coast Guard Station Iloilo, nakapagsabi pa ang lalaki sa on duty-guard na hihintayin niya ang biyahe ng Weesam Express upang makauwi sa kanila sa Cagayan de Oro.

Nagulat na lamang ang mga nakakita nang biglang tumalon ang lalaki sa Iloilo River malapit sa Fast Craft Terminal.

Tinapunan siya ng life ring ng mga crew nang malapit na fast craft ngunit sadyang lumayo ang biktima hanggang umabot sa malalim na bahagi ng ilog at tuluyan nang pumailalim.

Agad nag-deploy ng rescue team ang Coast Guard ngunit hindi nila nakita ang biktima.

Lumipas pa ang halos tatlong oras bago nakita ang katawan ng biktima.

Ang hindi pa nakikilalang lalaki ay nakasuot ng asul na t-shirt at shorts, tinatayang nasa 25-30 anyos, at may taas na 5’3″ hanggang 5’4″.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *