Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsasaka sa Cordillera nagkaroon ng kakampi sa Exalt 60 SC vs insekto

ANG mga magsasaka sa Cordillera ay sinasabing kabilang sa largest vegetable producers sa bansa, sa kabila nang nararanasan nilang hamon sa kanilang kabuhayan: ang pinsalang idinudulot ng mga peste at sakit sa kanilang mga pananim.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga magsasaka at agricultural officials sa rehiyon ay pa-tuloy na naghahanap ng mga produktong susugpo sa mga peste nang hindi masasakri-pisyo ang kalidad ng kanilang mga pananim at hindi tumaas ang kanilang gastusin sa produksiyon.

Bunsod nito, ipinakilala ng Jardine Distribution Inc. (JDI) kamakailan ang Exalt 60 SC, ang mabisa ngunit matipid na insecticide na partikular na epektibo laban sa Diamond Black Moth.

Muling binanggit ang pa-ngako ng kompanya na matulungan ang lokal na mga magsasaka sa pagsugpo sa nasa-bing banta sa kanilang kabuhayan, sinabi ni Sandra de Guia, Senior Product Mana-ger, “the Exalt 60 SC is now aiding farmers in the Cordilllera region, especially in Benguet.”

Ang Diamond Black Moth ay napaulat na pinakamapa-muksang insekto sa mundo, lalo na sa brassica crops katulad ng cabbages, cruciferous vegetables, at mustard plants. Karamihan sa napinsalang pananim ay sanhi ng moth caterpillars na bumubutas sa mga gulay katulad ng cabbage at Brussels sprouts. Habang ang Diamond Black Moth ay pinagmumulan ng kontaminasyon ng produkto sa pamamagitan ng pangingitlog sa loob ng broccoli florets at cauliflower curds.

Minanupaktura ng Dow AgroSciences, ang Exalt 360 SC ay ginawa para mapigilan ang mapamuksang mga insekto sa pamamagitan ng active ingredient na tinatawag na Spinetoram, ang pinakabagong molecule saspinosyn class. Sa Spine-toram ay matitiyak ang mabilis na pagkalipol at good residual control sa Diamond Black Moth. Bagama’t ang Exalt 360 SC ay ikinokonsiderang very strong insecticide,  ito ay ligtas sa kapaligiran at hindi mapanganib sa kalusugan ng mga magsasaka. Sinasabi rin ang pagdepende sa mga kemikal bilang control measure sa Diamond Black Moth ay maaaring magresulta sa pag-develop nang pagiging matibay ng maraming insekto. Gayonman, ang mga peste ay walang cross resistance sa Exalt 360 SC, kaya ito ay very effective agent laban sa mga peste maging makaraan ang ilang taon na paggamit nito. Nagwagi ng 2008 US Presidential Green Chemistry Challenge Award, ang Exalt 360 SC ay ipinamamahagi ng JDI nationwide. Ang Jardine Distribution Inc., member company ng Jardine Matheson Group, ay kumakatawan sa ilang leading brands sa crop protection, local and foreign-made pesticides, plant growth regulators, hybrid rice seeds, at vegetable seeds.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …