Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balipure, Air Force angat sa laban

KAHIT na lubhang nakaaangat sila sa kani-kanilang katunggali, nais kapwa ng BaliPure at Philippine Air Force na hindi lumaylay ang kanilang performance sa dulo ng elimination round ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference.

Makakatunggali ng BaliPure ang Team Baguio sa ganap na 4 pm samantalang makakasagupa ng PAF ang Team Iriga sa ganap na 6:30 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa natatanging laro ng Spikers Turf sa ganap na 1 pm ay  magkikita ang Philippine Navy at Philippine Air Force.

Kapwa may 4-1 records ang BaliPure at PAF at nasa likod ng nangungunang Pocari Sweat na may 5-0. Ang Iriga at Baguio ay pareho nang nalaglag. May 1-5 karta ang Lady Oragons samantalang ang Summer Spikers ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng panalo sa torneo at may 0-6.

Matapos na mabigo sa Air Force, 25-23, 14-25, 25-19, 25-16 sa kanilang unang laro ay hindi na nakalasap muli ng pagkatalo ang BaliPure ni coach Charo Soriano.

Lalong tumatag ang BaliPure sa pagdating ng superstar na si Alyssa Valdez mula sa Europe kung saan  naging bahagi siya ng exhibition games.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …