Thursday , June 4 2026

NIA engineer natagpuang hubad at naaagnas sa bahay

ILOILO CITY – Naagnas na ang hubad na katawan ng isang babaeng supervising engineer ng National Irrigation Administration (NIA) nang matagpuan sa tinutuluyang bahay sa Zone 3, Brgy. Tacas, Jaro, Iloilo City kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Engr. Marites Satillana, 38, ng Providence Negros, Brgy, Estefania, Bacolod City at pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.

Ayon sa may-ari ng inuupahang bahay na si Frankie Robles, hindi niya napansin na nakapag-miss call pa ang biktima noong Biyernes ng gabi.

Habang palaisispan sa Scene of the Crime Operation (SOCO) kung bakit tila walang senyales ng ‘forcible entry’ sa kuwarto ng biktima at nakakalat na ang mga gamit.

Inaasahan na magiging malaking tulong ang na-recover na cellphone ng biktima sa kalutasan ng kanyang kamatayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …