ANG pagpili ng tamang “timing” sa paglilipat sa partikular na direksyon, o mga direkyon, ang magbibigay ng charge sa chi sa paraang makatutulong upang maramdaman mong matutupad mo ang inyong mga pangarap sa buhay.
Kung gaano kalayo ang inyong lilipatan, ganoon din ito kaimportante. Ang paglilipat ng kukulangin sa 1 km (1/2 mile) ang layo ay magkakaroon lamang ng maliit na noticeable effect, ano man ang direksyon nito.
Ang paglilipat sa ibang mga kontinente na may ibang kultura ay magkakaroon ng higit na impluwensya, na magreresulta sa potensyal na mga kaganapang magpapabago sa inyong buhay.
*Upang madetermina kung kailan dapat lumipat sa partikular na direksyon, maghanap ng mapa na kung saan makikita ang inyong bahay at ang destinasyong inyong lilipatan. Markahan ang dalawang ito ng X.
*Ilagay ang center ng inyong eight-directions transparency sa X na nakamarka sa inyong bahay, at i-turn ang transparency upang ang norte ay nakaturo sa ibabaw ng page. Tingnan kung aling sector nakaturo ang X na nakamarka sa inyong destinasyon.
*Bilang alternatibo, determinahin kung anong directions ang paborable para sa particular na taon, kumuha ng mapa at markahan ang inyong bahay ng X.
*Ilagay ang center of transparency sa X na nakamarka sa inyong bahay, at i-turn ang transparency upang ang norte ay nakaturo sa ibabaw ng page.
*Tingnan ang appropriate directions sa mapa upang makita ang posibleng eryang lilipatan.
ni Lady Choi