Friday , January 10 2025

Hindi makikipagpalit ng players si Guiao

HINDI na raw kailangan ni coach Joseller “Yeng” Guiao na kutingtingin ang kanyang line-up dahil sa nakuha na niya ang mga manlalarong nais niya bago nagsimula ang season.

Ngayon lang kasi siya kumuha ng maraming rookies at nakipag-trade bago nagsimula ang season. So, parang dalawang seasons na ang kanyang pinaghandaan.

“Maikli lang kasi ang break in between the Governors Cup at simula ng susunod na season. So, kung magsasagawa ka ng maraming pagbabago, mahihirapan lang ang team mo in terms of adjustments,” aniya.

Pero wala naman daw masama kung makakakuha pa sila ng isang very promising player.

Ang tinutukoy niya ay ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa na napabalitang puwedeng ipamigay ng Tropang TNT.

Ang siste ay hindi naman basta-basta makikipagpalit ng manlalaro ang Rain or Shine dahil sa baka naman masira ang team chemistry.

E, kapapanalo lang nila ng kampeonato ng nakaraang Commissioner’s Cup.  So, hindi naman maganda kung babaguhin niya agad ang chemistry ng team.

Sa totoo lang, umaasa nga ang Rain Or Shine na maidudugtong nila ang titulo ng Governors Cup.

Baka sa halip na maging maayos ang takbo ng kanilang koponan ay sumama pa kung kukuha sila ng isang matinding manlalaro na gaya ni Tautuaa.

Kasi, hindi naman papayag tiyak ang Tropang TNT na bale walang manlalaro ang makuha nilang kapalit, o future draft pick lang. Hihingi siyempre ang Tropang Texters ng de kalibreng player.

At iyon ang hindi magiging maganda para sa Rain Or Shine. Kumbaga ay okay na ang kanilang kalagayan pero sa pakikipagpalitan nila sa Tropang TNT ay tutulungan nilang ayusin ang problema ng Tropang Texters samantalang sila naman ang magkakaroon ng problema.

Hindi tama.

Kaya malamang na hindi na lang makipagpalitan ang Rain Or Shine.

oOo

HINDI pala 6-9 kungdi 6-5 lang ang height limit ng import para sa Star Hotshots sa season-ending PBA Governors Cup na magsisimula sa Hulyo 15.

Matapos na hindi makarating sa semifinal round ng nakaraang Commissioner’s Cup, ang akala ng lahat ay Star ang siyang makakakuha ng import na may 6-9 ang height, ayon sa computations ng records ng mga koponan sa unang dalawang conferences.

Hindi pala.

Kasi, matapos ang re-computation, napag-alaman na ang apat na koponang may masamang records ay ang Mahindra, Blackwater, GlobalPort at Phoenix. Ang apat na ito lang ang puwedeng kumuha ng import na may sukat na 6-9. Ang walong ibang koponan ay 6-5 ang height limit.      So, hindi puwede si Ricardo Ratliff na nakapaglaro na sa nakaraang Commissioner’s Cup.

Pero no problem naman para sa  Hotshots. Kasi nakaantabay naman ang datihang si Marcus Blakely na siya nilang pararatingin. Ang 6-5 na si Blakely ay lalaro para sa Star sa ikalimang conference.

Ibig sabihin ay hindi na kailangan ng Hotshots ang adjustment period sa kanilang import. Kabisado na kasi nila si Blakely at alam na nila kung ano ang ibibigay nito sa kanila.

Kaya lang ay kabisado na rin naman ng ibang teams si Blakely so alam na rin nila kung paano ito dedepensahan.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *