Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, impressive sa pelikulang Memory Channel

00 Alam mo na NonieIMPRESSIVE ang nakita naming acting ni Gerald Santos sa indie movie na Memory Channel. Although teaser pa lang ang nasilip namin, masasabi kong kaabang-abang ang performance niya rito at parang hindi baguhan, considering na ito ang first movie ng singer/actor.

Ang Memory Channel ni Direk Raynier Brizuela ay isa sa anim na entry sa World Premieres Film Festival na gaganapin sa June 29 to July 10, 2016. Ang papel ni Gerald dito ay isang dating singer na nagkaroon ng retrograde amnesia na nagti-trigger ng anxiety/panic attack.

Sobrang thankful si Gerald sa co-star niyang si Epi Quizon. “Sobrang thankful po ako kay Sir Epi Quizon, napaka-generous niya, napakagaling at very professional.”

Inusisa namin ang manager ni Gerald na si Cocoy Ramilo kung ano ang masasabi niya sa movie? “The role was very demanding po but he immersed himself into the character. First movie niya kaya he was not very hard on himself. His portrayal was instinctive, you can feel for his character po.

“Epi was very supportive, noong una, Gerald was intimidated. Pero noong laging nagjo-joke si Epi, naging relax si Gerald at naka-arte nang maayos. I guess po it’s his way of making his co-actors relaxed on the set,” saad pa ni Cocoy.

Nabanggit din ni Cocoy na natapos na ni Gerald ang pelikulang Emilio Jacinto: Utak ng Katipunan na produced ng National Historical Commission.

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …