Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ginilitan sa leeg ni mister

NAHAHARAP sa kasong parricide ang isang lalaki makaraan katayin na parang manok ang kanyang 48-anyos misis nang sila ay mag-away dahil sa selos sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Resty Damaso, chief of police ng Rodriguez PNP, kinilala ang biktimang si Susan Luneza, habang agad naaresto ang suspek na si Leo Luneza, 41, kapwa nakatira sa Blk. 6, Lot 49, Alibangbang St., Manila Hills, Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Conrado Cabigao, dakong 7 p.m. nang magtalo ang mag-asawa dahil sa selos na humantong sa suntukan.

Hanggang makadampot ng kutsilyo ang suspek at ginilitan na parang manok ang kanyang misis.

Tumakas ang suspek ngunit agad naaresto  ng mga pulis.

Isinugod sa ospital ng mga kapitbahay ang biktima ngunit idineklarang patay na ng mga doktor.

Sasampahan ang suspek ng kasong parricide sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …