Monday , December 23 2024

Digong ‘di natinag sa P50-M bounty

INIHAYAG ni incoming Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa kahapon, hindi natinag si President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa P50 milyon patong sa kanyang ulo.

Sinabi ni Dela Rosa makaraan ang event sa restaurant sa isang hotel sa Davao City, tumawa lamang si Duterte hinggil sa sinasabing banta sa kanyang buhay.

Ayon sa incoming PNP chief, may nakatalaga nang security men para sa kaligtasan ng incoming President, at wala silang planong magdagdag pa.

Magugunitang sinabi ni Dela Rosa nitong nakaraang linggo na P10 milyon ang inialok ng mga drug lord para maipatumba si Duterte ngunit kalaunan ay itinaas ito sa P50 milyon.

“Kahapon, P50 million (ang reward) either ako o si mayor (Duterte) dahil walang takers sa P10 million,” pahayag ni Dela Rosa.

Ang mga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, ang sinasabing nagplanong ipatumba ang incoming president.

Sa event sa Davao City, sinabi ni Dela Rosa, ang impormasyon ay mula sa ‘insider’ sa NBP.

Ngunit hindi niya tinukoy na ang source ay opisyal ng NBP o preso.

Samantala, tumanggi si Dela Rosa na kompirmahin ang mga ulat na ang drug lord na nagngangalang Peter Co na nakakulong sa NBP, ang nag-alok ng reward.

“I will not confirm that, kung alam ko man, akin na lang yon,” ayon kay Dela Rosa.

Aniya, ayaw niyang kompirmahin ang ulat dahil maaaring maakusahan siyang sangkot kapag may nangyaring masama kay Co.

Idinagdag niyang hindi niya kilala si Co.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *