ANO mang water feature sa harap ng bahay ay dapat naroroon sa kaliwa ng main door kung ikaw ay nasa loob at nakaharap sa labas. Ito ay pagtiyak sa katatagan ng pagsasama ng isang mag-asawang naninirahan doon. Ang tubig sa kanan ay magdudulot ng paggala ng paningin ni mister.
Bako-bako, ‘di patag na lupa good feng shui
Nagtuturo ang Feng Shui ng matalinong paggamit sa kapaligiran. Kung ang lupa sa inyong paligid ay hindi patag at bako-bako, may naninirahan ditong maswerteng mga dragon. Kung ang lupa ay patag at featureless, walang naninirahang dragon at ang lugar ay hindi masuwerte.
Gentle slopes mas masuwerte kaysa craggy slopes
ANG marahang pagkurba ng lupa ay higit na masuwerte kaysa magaspang at maburol. Kung ang elevation ng lupa ay marahan, masagana ang pagpasok ng chi; marahan ang pagkilos nito, dumadami, nananatili at naghahatid ng malaking swerte.
Midlevels higit na superior
Hindi paborable ang paninirahan sa pinakatuktok ng burol o bundok. Kapag nasa tuktok ka ng burol o bundok, madali kang tatamaan nang malalakas na hangin; sa mababang bahagi ng burol ay marahan lamang ang pag-ihip ng hangin, at ikaw ay matatabingan mula sa elemento.
Tubig naghahatid ng pera
Kung ang tubig ay maharang dumadaloy patungo sa inyong bahay, madali kang aasenso. Tatangayin ng deretsong ilog at mabilis na daloy ang tubig mula sa iyo at walang iiwang suwerte sa inyong bahay.
Waterfalls, nagdudulot ng milyong dolyar na oportunidad
Kung nakatatataw ka nang magandang talon (waterfall), magdudulot ito ng tubig sa inyong bahay, kaya ikaw ay yayaman.
Maraming naging milyonaryo sa Far East nang maglagay sila ng artificial waterfall sa kanilang garden. Ngunit tandaang hindi ito dapat abusuhin. Mahalaga ang pagiging balanse, malulunod ka sa maraming tubig.
ni Lady Choi