Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion album tour, start na ngayong Sabado sa SM City Sta. Mesa

00 Alam mo na NonieHAHATAW na this Saturday, June 11 ang album tour ng magaling na singer/composer na si Marion. Gaganapin ito sa SM City Sta. Mesa, 3PM sa Upper ground event center.

Pagkakataon na ng fans ni Marion at ng mga music lover na ma-meet ang versatile na artist ng bansa. Dito’y magkakaroon ng greet and meet, kaya ang mga bibili ng self-titled CD ni Marion mula Star Music ay magkakaroon ng chance na mapapirmahan ito at makapagpa-selfie sa talented na anak ni Ms. Lala Aunor.

Abangan si Marion, ang tinaguriang Theme Song Princess ng bansa sa kabuuan ng mga buwan ng June at July sa kanyang album tour. After sa SM City Sta. Mesa, susunod naman ay sa SM Center Muntinlupa sa June 12, Sunday 4PM sa Event Center. Ang third ay sa SM City Bicutan sa June 26, Sunday 4PM sa Event Center.

Ang fourth stop ng kanyang album tour ay sa SM City San Pablo sa July 2, Saturday, 5PM sa Mall Atrium. Ang ika-lima sa series of mall shows niya ay sa SM Center Angono sa July 3, Sunday, 4PM sa UGF. Sa SM City Masinag naman mapapanood si Marion sa July 17, Sunday sa ganap na 4PM sa Mall Atrium.

Next naman ay sa SM City San Mateo sa July 23 Sat., 4PM sa 2nd Floor, Cyberzone Area. Ang ika-walo ay sa SM City Taytay sa July 24, Sunday, 5PM sa Event Center. Susunod ay sa SM Center Molino sa July 30, Saturday, 4PM sa Event Center, at ang paghuli sa month ng July ay sa SM City Cabanatuan sa July 31, Sunday, ganap na 5PM sa 4L, Roof park.

Magandang pagkakataon ang album promo ni Marion para mas makita siya ng masa at ma-appreacite ng mas marami ang kanyang musical talent.

Samantala, tuloy pa rin ang pagsuporta at pagboto kay Marion sa Power Chords kasama sina Kaye Cal at Marlo Mortel, under sa mentor na si Nyoy Volante sa We Love OPM: The Celebrity Sing-Offs ng Kapamilya Network.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …