Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Ulap at ibon sa panaginip

Musta po Sir,

Ang panaginip ko this time ay about sa ulap at sa mga ibon and bakit kaya po minsan ay nagkakatotoo ang mga panaginip ko? Nagkataon lang kaya yun o may mensahe itong pinaabot sa akin? Slmt po, this is Linda ng Malabon, ‘wag n’yo na lang po ipapablis cp no. ko.

To Linda,

Base sa simbolo ng ulap, ang panaginip mo ay nagsasaad ng hinggil sa inner peace, spiritual harmony and compassion. Maaaring nagpapakita rin ito na may isyu sa buhay mo na nagiging maayos na o mayroon ng nababanaag na kaliwanagan. Subalit, kung ang ulap ay maitim, ito ay sagisag ng depression o anger. Ito ay posibleng nagpapahayag ng napipintong pagsabog ng emosyon. Alternatively, ito ay nagre-represent din ng kakulangan sa wisdom o kaya ay pagkalito sa ilang sitwasyon na nasusuungan mo. Kaya masasabing ito ay posibleng metaphor din para sa iyong “clouded” way of thinking.

Ang bird o ibon naman sa panaginip mo ay sumisimbolo sa iyong mga mithiin o layunin sa buhay, kasama na ang pag-asa sa mga bagay na inaaasam mong magkaroon ng katuparan. Ang ibon ay nagre-represent din ng joy, harmony, ecstasy, balance, at love. Ito ay nagsasaad ng maaliwalas na pananaw sa buhay. Ito ay nagsasaad din na ikaw ay nakararanas ng spiritual freedom at psychological liberation. Ito ay nagpapakita rin na may mabigat kang pasanin o dala-dala sa iyong balikat na nagkaroon ng pagbabago at nagkaroon ng kaalwanan, o kaya naman, nareresolba ang ilang mabibigat na suliranin na kinakaharap. Kung ang ibon naman sa iyong panaginip ay namatay, ito ay may kaugnayan sa disappointments. Maaaring ito ay nagpapaalala na maghahatid ito sa iyo ng suliranin, lalo na ang mga bagay na sumisiksik at gumugulo sa iyong isipan. Kung deformed or odd naman ang nakitang ibon sa iyong panaginip, ito ay indikasyon na ikaw ay may kakaibang outlook at perspective hinggil sa romance at love. Sa kabilang banda, maaaring ito ay isang pahiwatig ng kakulangan sa pang-unawa ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa love. (Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …