Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Soriano, Tan hahataw sa BVR Inv’l

MAKIKIPAGHATAWAN ang dalawang Philippine team laban sa malulupit na foreign teams sa magaganap na Beach Volleyball Republic Invitational tournament sa darating na June 9 hanggang 12 sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.

May tatlong teams sa bawat Pools kung saan ay nasa Pool A ang BVR-2 na sina first runner-ups sa national championship ng “BVR On Tour” na sina Jennifer Cosas at Dij Rodriguez habang sina Charo Soriano at Bea Tan ng BVR-1 ay nasa Pool B.

Ayon sa mga BVR founders na sina Soriano, Tan, Dzi Gervacio, Bea Tan, Fille Cayetano, Alexa Micek at Gretchen Ho, nahati sa apat na grupo ang 12 teams.

Dahil dalawang teams lang ang puwedeng isali ng Pilipinas ay maglalaro si Fil-Am Alexa Micek sa USA-2 kung saan ay kakampi niya si Leah Hinkey.

Sina Soriano at Micek ay magkakampi sa katatapos na BVR On Tour na pinagkampeonan nina Tan at Fiola Ceballos.

Kasama ng BVR-2 sa Pool A ang matitikas na Brazil-1 at Singapore-1 habang makakatapat ng BVR-1 sa bracket nila ang USA-1 at Hong Kong-2.

Ang mga teams sa Pool C ay ang tandem nina Yupa Phokongploy ng Thailand at Rachel Sherman ng USA, Brazil-2 at Singapore-2 at sa Pool D ay New Zealand at Hong Kong-1 at USA-2.

May nakalaan na $6,000 na premyo para sa magkakampeon habang makokopo ng second, third at fourth placers ang $4,500, $3,500 at $2,500 ayon sa pagkakahilera. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …