Sunday , December 22 2024

Nasaan ang mga gumagawa at kapitalista?

ARAW-ARAW may natatagpuang patay na tulak (daw) ng mga ipinagbabawal na gamot partikular ang sinasabing poor man’s cocaine na ‘shabu.’

Sa bawat biktima (biktima pa ring maituturing ang mga napapatay lalo na’t hindi naman natin alam kung totoong tulak o nanlaban sa mga operatiba) – may nakasabit na karatula sa kanilang leeg at may nakasulat na “Drug pusher ako, ‘wag tularan.”

Hindi man sila napapatay, nahuhuli rin sila nang buhay dahil hindi nanlaban. Marahil ang mga nahuhuling buhay sa mga ikinakasang buy-bust operations ay masasabing totoong mga tulak o drug dealer/courier.

Ilan na kayang pusher ang napapatay at naaaresto simula nang magpakitang-gilas ang maraming PNP official sa bagong halal na Pangulong si Mayor Rodrito Duterte?

Ilan na rin kayang shabu ang nakokompiska? Malaki na kaya ang ibinaba ng pagkakalat ng droga sa bansa bilang resulta ng mga kaliwa’t kanang drug bust operation?

Ano pa man, masasabing okey na rin ang kaliwa’t kanang operasyon laban sa droga, ito man ay kakatwang hakbangin ng PNP. Kakatwa dahil puwede naman pala nilang gawin kung gugustuhin nila.

Ewan nga ba, bakit kinakailangan pa ng PNP na magkaroon ng isang Pangulong Duterte para kumilos nang kumilos laban sa droga.

Ngunit, hindi ba ninyo nahahalata na mga pipitsuging street pusher lang ang kayang itumba ng mga pulis? Nasaan ang totoong mga drug lord? Nasaan ang mga kapitalistang dayuhan na gumagawa ng shabu sa bansa? Nasaan sila? Ba’t hindi napapatay este, naaaresto?

Mahirap na baka kasi kumanta ang mga dayuhan kapag mahuli kung kaya tinitimbrehan na lang.

Nakatatawa nga ang mga napapaulat na operasyon – may mga shabu lab na sinalakay.

Ipinagyayabang ng PNP at PDEA na matagumpay ang operasyon pero wala naman silang naarestong shabu maker o kapitalista.

Iniyayabang nilang  mga dayuhang Chinese national o Taiwanese daw ang mga may-ari ng shabu lab pero wala naman sila naaaresto. Kesyo nakatakas daw ang mga dayuhan sa kalagitnaan ng operasyon o habang papunta na sa lugar ang mga operatiba.

E paano kasi natimbrehan nga!

Lagi na lang ganoon ang nangyayari, sa mga shabu lab raid, madalas nakatatakas ang mga dayuhang may-ari at ang mga nadaratnan ay Filipino na caretaker.

Kawawang Juan dela Cruz, nagiging sakripisyo dahil sa mga buwayang protektor mula sa ilang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagsugpo ng droga.

Obvious na obvious ang mga shabu lab raid, halatang timbrado. E sino pa nga ba ang mga magtitimbre sa mga dayuhan?

‘E ‘di ang mga tiwaling pulis rin. Kaya ang dapat, maging ang mga tiwali ay arestohin at kasuhan o ‘itumba’ rin (?) at lagyan ng karatulang “Pulis ako, protektor ng droga.”

Pero sino nga ba ang dapat na unang buwagin at arestohin? Sapat na ba ang pagpatay sa mga street pusher?

Hindi ba dapat na unahin ang ugat – ang supplier o mga gumagawa?

Useless kasi ang patayan sa street pusher kung mananatiling nakalalaya ang mga gumagawa ng shabu. Hulihin ang gumagawa at hindi lang ang mga kinakaya-kayang small time pusher na ang ilan naman ay alaga ng mga pulis.

Pero ang pagpatay ba sa street pusher ay solusyon sa pagsugpo sa problema sa droga?

Kapansin-pansin kasi na kahit marami nang napaulat na napatay na pushers, tuloy pa rin sa operasyon ang mga sindikato.

Araw araw may mga nagtutulak pa rin.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *