Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pare, Mahal Mo Raw Ako, palabas na ngayong Miyerkoles

00 SHOWBIZ ms mAFTER almost a year, maipalalabas na ang pinakaaabangang gay-themed movie na Pare, Mahal Mo Raw Ako na isinulat at idinirehe ni Joven Tanna pinagbibidahan nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzmanngayong Miyerkoles, June 8 sa maraming theaters nationwide.

“Thank God and maipalalabas na finally sa malalaking telon itong napakasayang pelikula naming ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Sa totoo lang, kinakabahan ako actually more than the excitement sa pag-show nito on regular runs. Ganyan ako ‘pag may project eh—I may not show it pero sa totoo lang, nininerbiyos ako. Kahit sa mga concert ko, before the show ay parang may nagtatakbuhang daga sa dibdib ko pero right after, I feel soooo good,” ani Pangilinan.

“I enjoyed working with Michael. Nakaka-in love kasi ang role ko – isang gay best-friend na na-in love sa character ni Michael sa movie. Marami tiyak ang makare-relate dahil it happens to the best of us. Nakatatawa, nakaiiyak, nakakikilig, lahat-lahat ng sangkap naroon na. Sana suportahan nila ang launching movie na ito ni Michael—he’s a revelation,” ani Guzman.

“After many years of doing films, isa ito sa pinakamahalagang projects ko. I’ve put in almost everything that I know – everything that I have dahil co-producer din ako ng movie. Hindi nasayang ang effort namin – punumpuno ng puso ang pelikula and I must say na perfect ang casting namin dito. After mabuo ang pelikulang ito, na-realize kong walang perfect sa bawat character kundi sila mismong lumabas. Kasama rin kasi sa movie sina Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Ms. Nora Aunor in a very special role. Finally ay maipalalabas na ito sa June 8 thru Viva Films. Matutuwa ang makakapanood ng movie na ito, simpleng maganda at may puso. You will fall in love sa bawat character,” pagmamalaki naman ni Direk Joven Tan.

Kasama ni Direk Tan sa pag-produce ng Pare, Mahal Mo Raw Ako sinaJobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Sario, Jr., at Capt. Ernie Moya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …