Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymond Cabral, maganda ang exposure sa We Will Survive

00 Alam mo na NonieMAGANDA ang exposure ng indie actor at International model na si Raymond Cabral sa afternoon TV series na We Will Survive na tinatampukan ng mga komedyanang sina Pokwang at Melai Cantiveros. Gumaganap siya rito bilang si Lando, ang nakababatang kapatid ni Edwin (Jeric Raval). Si Marissa Delgado at ang character actor na si Tony Manalo naman ang kanilang mga magulang sa seryeng ito ng ABS CBN.

Sobrang thankful nga ni Raymond sa pagiging parte niya ng panghapong seryeng ito na humahataw sa ere ngayon. Nagpapasalamat din siya siya sa direktor ng WWS na si Direk Jeffrey Jeturian dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Sa ngayon, katatapos lang ni Raymond ang dalawang indie films na siya ang lead role. Ito ang Amalanhig na isang horror film at mula sa direksyon ni Jun Posadas. Ang isa pang nagawa niya ay ang advocacy film titled Sa Isang Iglap ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

Si Raymond ay ipinakilala noon sa pelikulang Tutok ni Direk Joven Tan, sumunod ay ang Marino, Baklas, Tanglaw, Tarima at ang 2015 MMFF entry ni dating Laguna Governor ER Ejercito na Muslim Magnum 357 sa direksyon naman ni Jun Posadas.

Naging bahagi din si Raymond ng panghapon seryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN kaya laking tuwa niya nang mapasama uli siya sa panghapon serye ng Kapamilya Network ang We Will Survive!

Bilang model, si Raymond ay nakapag-travel na sa iba’t ibang key Asian cities tulad ng Hong Kong, Macau, China, at iba pa. Siya ang endorser ng Page Jeans at Above Aesthetics. Siya ay na-feature din bilang isa sa models sa annual Cosmo Bachelor show noong 2014.

Kapag hindi abala sa mga showbiz commitments niya, inaasikaso ni Raymond ang negosyo niyang Makerz Gym at computer shop, na matatagpuan sa Bulihan, Silang, Cavite.

“Ang lahat ng ito ay galing sa naipon ko as a model. I know that in showbiz wala namang assurance na it’s going to be forever kaya I decided to put up my own business for my future. Although I love acting so much, at least kahit papaano may income ako kung madalang ang movie offers,” saad ni Raymond.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …