Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell, may ipinaretoke sa mukha

NAGBUNGA rin ng maganda ang ginawa naming pangangalampag kayArnell Ignacio sa radio program na Cristy Ferminute with Pilar Mateo.

Of late kasi, unusually tahimik ang TV host-comedian tungkol sa kaibigangRichard Pinlac na nakaratay pa rin sa ICU ng Capitol Medical Center to think na ito ang kanyang binubuliglig para makasama sa mga gabi ng kalungkutan.

Shortly after the Tuesday edition of CFM, kandatawag si Arnell kay Pilar pero hindi niya ito sinasagot. Moments later, nakatanggap kami ng forwarded text message mula kay Tita Cristy, galing ‘yon kay Mama Yolly, ina ni Richard.

Kagagaling lang daw ni Arnell sa ospital at nag-abot ng tulong.

Lubos siyempre ang aming pasasalamat nina Tita Cristy at Pilar sa gesture na ‘yon ni Arnell, dalawang linggo na nga naman kasing naka-confine si Richard ng wala man lang pangungumusta mula sa kanya kung ano na ang kalagayan nito.

May napansin lang si Mama Yolly na kakaiba sa hitsura ni Arnell nang bumisita sa ospital. Tila raw kasi may ipinaayos sa mukha nito, particularly his chin at sa pisngi.

Just asking, did Arenell go under the knife, as in nagparetoke?

Col. Jude, nagpa-block screening ng Ang Tatay Kong Sexy

HINDI pa nagkasya sa premiere night ng pelikula ng kanyang nakapiit na kapatid, nagdaos si Col. Jude Estrada ng block screening ng Ang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan ni Senator Jinggoy Estrada, sa SM Megamall nitong Huwebes.

Martes ng gabi ‘yon sa SM Manila na nagbigay-suporta ang mga kaanak ni Jinggoy, pero para kay Jude, isa raw malaking rebelasyon ang pelikula ni direk Joey Reyes, ”Ang ganda ng movie!”

Sa mga hindi nakaaalam, Jude is not a typical film buff. Pero naglaan talaga siya ng panahon off his work as a pilot upang mapanood ang kanyang kapatid.

Isa itong feel-good movie na sayang nga lang at wala sa premiere night at block screening ang bidang aktor-politiko.

Salamat sa tulong, Portia Ilagan

SA pamamagitan ng pitak na ito’y nais naming itawid ang aming taos-pusong pasasalamat sa kaibigang Portia Ilagan.

Sa mga hindi po nakaaalam, dati rin pong kasamahan sa panulat si Portia, o Ponga to her colleagues in showbiz. Pero ang kanyang malawak na talento ang nagbigay-daan upang mabigyan siya ng pagkakataong umarte noon sa TV at pagkatiwalaan ng pamilya Revilla sa pagsusulat ng mga public speeches.

Pero higit dito ang dapat igawad na paghanga sa kanya. Probably next to dearest friend Cristy Fermin (na ninang ng isa sa mga anak mo, kapatid na Maricris), Portia is the most concerned, most resourceful benefactor sa likod ng pinagdaraanang pagsubok ng kaibigang Richard Pinlac.

Nito kasing mga huling araw—when Richard’s hospital bills at the Capitol Medical Center—have accumulated ng daang libong piso, nangako si Portia na idudulog sa PCSO through the efforts of Mr. Ayong Maliksi ng Cavite.

Hindi pa man, nais na naming magpasalamat sa isang tunay at maaasahang kaibigan. Thanks you, Portia Ilagan!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …