Friday , November 15 2024

‘Di ako aasa sa Amerika — Duterte

INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte, hindi aasa ang Filipinas sa kaalyadong bansang Amerika, sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Ayon kay Duterte, bagama’t may kasunduan at malalim ang relasyon ng Filipinas sa Western allies kagaya ng US, gagawa nang sariling landas na tatahakin ang Filipinas.

Ngunit nilinaw na hindi ibig sabihin nito ay nais niyang paboran ang ibang bansa na hindi kasundo ng Amerika kagaya ng China.

Sinabi ni Duterte, nais niyang mangibabaw ang interes ng mga Filipino.

“We have this pact with the West, but I want everybody to know that we will be charting a course of our own.

“It will not be dependent on America. And it will be a line that is not intended to please anybody but the Filipino interest,” ani Duterte.

Samantala, tinitingnan ng ilang analysts na posibleng signal ito para sa muling pag-init ng relasyon ng Filipinas sa China na nagkalamat dahil sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ngunit sinabi ni Duterte, kanyang hihintayin ang magiging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa kasong inihain ng Filipinas laban sa Beijing kaugnay ng maritime dispute.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *