Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Jinggoy, tinawag na ‘Tatang’ at tinalakan ni Maja

00 SHOWBIZ ms mWALANG gustong patunayan na anuman ang pelikulang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan nina Sen. Jinggoy Estrada at Maja Salvador. Napaka-light at nakagagaan ng loob ang pelikula na tamang-tama para sa pamilyang magdiriwang ng father’s day.

Mapapanood na ang Tatay Kong Sexy sa June 1 na ang istorya ay tungkol sa isang single parent na may tatlong anak—sina Empress Schuck, Jolo Revilla, atMaliksi Morales, na nagtaguyod sa tatlong anak simula nang mamatay ang asawa.

Aliw na aliw kami nang mapanood ang preview ng pelikula sa Gateway Cineplex dahil sa mga eksenang talaga namang nakatutuwa. Nariyan ang wagas na pagtataray at walang patumanggang pagtawag ni Maja ng Tatang kay Jinggoy. Kering-keri niya ang pagiging babaeng bakla kaya naman parang nakita namin sa kanya si Maricel Soriano na gumaganap sa mga ganoong role.

Wagas din ang pagtalak at pagtataray nito kay Jinggoy na kering-keri ng aktres.

Natural namang naiarte ni Jinggoy ang pagiging mahigpit na ama sa tatlong anak na kahit sarcastic ay okey pa rin ang dating.

Dumating sa preview ang isa rin na kasama sa pelikula, si Bayani Agbayani. Kaibigang-kaibigan pala ni Jinggoy ang komedyante na naikuwentong madalas mag-Pasko kasama ang senador at pamilya nito. Matagal na rin niyang kaibigan ang senador noong panahong nasa Veterans Hospital pa ang huli.

Ani Bayani, noong isang taon ay doon sila nag-Pasko sa Crame kasama ang kanyang pamilya at pamilya ng senador. Nasabi nga nitong sana raw sa susunod na Pasko’y hindi na roon sila mag-celebrate. Meaning, sana’y makalaya na si Jinggoy.

Narooon din sa preview ang isa rin sa kasama sa pelikula, si Dominic Roque na gumanap na boyfriend na nakabuntis kay Empress. First movie pala ito ni Dominic at masasabi naming okey naman ang arteng ipinakita niya.

Palabas na ang Tatay Kong Sexy sa June 1 at may premiere night ito ngayong gabi (May 31) sa SM Megamall.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …