Thursday , June 4 2026

Kilalang actor, may pangsugal pero walang maibigay na pangtustos sa mga anak

UNA naming nalaman ang pagsusugal ng isang kilalang aktor sa casino mula sa Facebook post ng isang kaibigan. Ang kanyang paglalaro ay nakunan ng mga litrato at malamang ay nakakalat na ‘yon.

Idinaan niya ‘yon sa blind item, pero marami sa mga nag-comment ang nanghula kung sino ang subject.

Clue: tumakbo nitong nagdaang eleksiyon pero hindi pinalad.

In silence, kami man ay sumubok manghula pero sumablay kami hanggang sa sumunod na araw ay natuklasan na namin kung sino ang aktor na ‘yon. Ipinakita sa amin ang kanyang forwarded photos, hindi maikakailang siyang-siya nga ‘yon.

Kung tutuusin, it’s nobody’s business kung ubusin man niya ang kanyang pera sa casino, kahit ang ipinantataya man niya’y excess sa kanyang nalikom na campaign funds.

Kaso, balita kasing hindi niya sinusuportahan ang kanyang mga anak sa mga babaeng naanakan niya. Pero may pangsugal siya?

Da who ang sugarol na aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Pedro Labrador.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …